Ang Panganib na Dulot ng Alcohol

Ang Panganib na Dulot ng Alcohol

Ang labis na pag-inom ng alak ay isang mapanganib na bisyo. Nakaaapekto ito sa isang tao sa lahat ng aspeto at kalagayan. Maaari nitong masira hindi lamang ang buhay ng isang taong lulong dito kundi kaya rin nitong sirain ang mga buhay ng kanyang mahal sa buhay. Sa ganitong pagkakataon, kailangan lamang talagang pagtuunan ng pansin ang ganitong uri ng sitwasyon at kondisyon. Kailangan nating maghanap ng mga technique na maari nating gawin upang magawan ng paraan ang bagay nito at ang mga bagay na kaakibat nito. Dapat tayong magplano at isakatuparan ang mga procedure na alam nating makakatulong sa atin.

Kahit ang mga taong hindi regular ang pag-inom, o ang mga taong tinatawag na social drinkers lamang, maaari pa ring magkaroon ng ilang epekto sa kanilang personalidad, in one way or another, ang pagkonsumo nila kung hindi nila ihihinto ang ganitong gawain. Sa mga epektong naidudulot nito, ang isang taong magpapatuloy sa ganitong bisyo ay maaaring dumating sa mga punto ng kanilang buhay na kanilang pagsisisihan.

Ngunit, may panahon pa para sa pagbabago. Hindi ka kailangang malungkot sapagkat napakaraming paraan upang mapaglabanan at ma-overcome mo ang iyong kalagayan maaari ka pa ring magkaroon at gumawa ng mga hakbang upang magbago ang takbo ng iyong buhay. Ang kailangan mo lamang ay isang bukas na isipan at malakas na determinasyon upang makaalis ka sa iyong bisyo. Ang mga available na paraan na makakatulong sa iyo ay naghihitay lamang sa iyong pagkilos upang makakawala ka sa sitwasyong kinasadlakan.

Alam na nating lahat ngayon na ang alak ay isang substance na nakaka-addict. Ang pagiging talamak sa pag-inom nito ay nakakasama sa ating kalusugan gayundin sa iba’t ibang aspeto na ating buhay at estado ng pamumuhay. Tinalakay na ng iba’t ibang medical doctors and isyung ito at maraming blogs at websites ang tumatalakay ukol sa masasamang epektong naidudulot nito sa ating kalusugan at katawan. Ngunit bakit nagpapatuloy pa rin itong nagiging problema sa ating society sa kasalukuyan?

Hindi lamang iilang pangyayari sa mga tao ang ating nasaksihan sa araw-araw na naging daan sa kanilang pagkapahamak dahil lamang sila ay lulong sa alcohol. Nadadala sila ng alak at hindi nila mapigilan ang resultang ibinubunga nito. Nakakapagtaka na ang isang taong alam na ang negative na maaaring mangyari sa kanila kapag nalalasing ay patuloy pa ri nilang ginagawa ang pag-inom. Ano ang malakas na kapangyarihan na umaalipin sa isang tao upang hindi siya tumigil sa pag-abuso sa alcohol at magpatuloy sa kanyang maling mga hakbang sa dinadaaanan. Ang hindi nila alam, unti-unti nilang sinasayang ang kanilang buhay sa ganitong uri ng gawain. Maaarin namang naiisip din nila ang kanilang kahihinatnan ngunit dahil na rin sa kakulangan ng tulong na mahahanap, hinahayaan na lamang nila ang alcohol na maging hari sa kanilang buhay.

Mahirap mabuhay na may mga problema. Lalo na kung ito’y konektado sa isang bisyo na tila nagwawala na sa ating sistema. Ito ang magdudulot ng mas malalaking problema sa hinaharap at hindi natin mamamalayan, huli na ang lahat para sa pagbabago. Kung naisip lamang natin o kung kumilos lamang tayo ng mas maaga, maaaring nasolusyunan natin ito at hindi umabot sa pagsisisi ang lahat ng mga pangyayari.

Kailangan kang kumilos ngayon para magbago ang iyong kapalaran. Nasa sa iyo desisyon para magbagong buhay. Kung hindi ka kikilos ngayon, kalian ka pa kikilos? Maaaring mahuli ang lahat at ikaw rin ang luluha sa hinaharap. Huwag mo nang hintayin ang mas malalang mga problema, tumigil ka na sa pag-inom ng alak upang hindi ka magsisi sa huli. Good luck!

Meeting Speech for Alcoholics Anonymous- Ray Vaugh Part 1






"'I don't know where it came from. It just happened. My brother Jimmie showed me some stuff and then it was like the dam broke."

Maging Matalino – Tumigil sa Pag-inom ng Alak

Ang araw na ito ang panahon na maaaring maging simula ng iyong pagbabago. Ngayon na ang tamang sandali upang tumigil ka sa pag-inom ng alak at mamuhay ng malusog, responsible at kapaki-pakinabang sa iyong buhay. Kung naiisip mong tumigil na ngayon, sapagkat naisip mo na ang mga masasamang epekto ng labis na pag-inom ng alak sa iyong katawan at kalusugan, maaaring ang unang hakbang na iyong isakatuparan ay ang pagbisita sa isang doktor o espesyalista na higit na nakaaalam sa pagsugpo ng ganitong karamdaman upang malaman ang iyong medikal na kondisyon. Maaari ka ring pumunta sa isang grupo na sumusuporta sa mga alcoholics gaya ng Alcoholics Anonymous o di kaya naman ay maaaring simulan sa pagtatakda ng isang petsa kung saan ay maaari ka nang tumigil sa paglalasing. Tunay na magagawa mong tumigil sa pag-inom na wala ang mga suporta ng mga doktor at ng ibang tao ngunit mas mahalagang isakatuparan ang ninanais na gawain na may gabay at pagkalinga ng isang espesyalista.

Ang mga manggamot ng ganitong uri ng sakit na tulad ng alkoholismo ay makapagbibigay sa iyo ng mga payo at tulong medikal na kakailanganin mo sa iyong pagbabago. May mga atake ng alcohol withdrawal symptoms na maaaring makasira ng iyong diskarte at ito ang iyong mga bagay na dapat ikonsulta sa kanila. Ang mga doktor na titingin sa iyong kondisyon ay makapagbibigay sa iyo ng mga tulong medikal at mga gamot upang iyong inumin sa simula pa lamang ng rehabilitasyon. Malawak at mahirap na proseso ang pagtigil sa pag-inom gaya din namang kumplikado ang mga sitwasyon at mga dahilan kung kaya ka nalulong dito. Sa dalawang ito, mas makikinabang ka ng lubos kung malalagpasan mo ang mahihirap na antas ng paghinto at mananatili kang nakahawak sa iyong mga balakin at plano.

Maraming maaaring gawin upang makakawala sa mga bisyo. Dapat nating maisip na ang tanging naidudulot sa ating buhay at sa buhay ng ating mga minamahal ng mga ganitong gawain ay puro sakit lamang ng ulo. Kaya tama lamang na ihinto na natin ang mga ganitong gawain upang hindi na dumagdag sa ating mga problema. Kung patuloy nating aabusuhin ang alcohol, nakatitiyak tayo na magkakaroon tayo ng mas maraming problema sa hinaharap.

Kung gusto nating magkaroon ng magandang kinabukasan o kung ibig nating matupad ang ating mga pangarap, ihinto lamang natin ang ating negatibong ginagawa at panatilihin ang mga positibong bagay na makatutulong sa atin at sa ating kapwa. Mahihirapan tayo sa simula ngunit kapag nalagpasan na natin ang mga mahihirap na antas, magiging madali na sa atin ang pagtigil at malalaman natin na tayo ay may panibagong buhay at nagsisimula nang bumangon sa pagkakadapa.

Iba’t Ibang Impormasyon Tungkol sa Alcoholism

Narito ang iba’t ibang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa alcoholism na makatutulong sa iyo upang maunawaan mo kung nararapat mo bang ipagpatuloy ang pagiging lulong dito o hindi. Ang mga bagay na ito ay makapagpapaliwanag sa iyong kaisipan upang maitimbang mo sa iyong sariling pang-unawa ang mga epektong naidudulot hindi lamang sa iyong katawan kundi pati na rin sa iyong personalidad. Una sa lahat, maraming mga tao ang naniniwala na hindi nakakasama sa kanilang kalusugan hangga’t hindi sila lumalabis sa kanilang pag-inom.

Kahit sabihin pang ang kontroladong pag-inom ay hindi masyadong nakaaapekto kaysa sa malabis na pagkonsumo nito at paglalasing, hindi naman totoong ang pag-inom ng kaunti ay hindi nakakasama. Ang pag-inom ng alak, marami man o kaunti, ay laging may kaakibat na epekto, saan man kuning paliwanag o aspeto tingnan.

Ang mga dahilan nito ay marami at kung titingnan sa anumang anggulo, ang pinakamasamang epekto nito sa ating katawan ay ang calorie na bumubuo dito. May pitong calories bawat gramo ng alcohol at ito ay may masamang epekto sa ating kalusugan at katawan, sapagkat magiging dalawa na ang kanyang ginagampanan pagdating sa pagsusunog niya ng enerhiya, sa ating mga kinain at ngayon nga, sa ating ininom na alak.

Ang labis na bilang ng calorie na matatagpuan sa alak o alcohol ay sapat na dahilan na upang tumigil na sa pag-inom ng alak. Hindi na kailangan pang sabihin ang katakut-takot na dahilan at masasamang epekto nito hindi lamang sa ating pisikal na kalusugan kundi pati na rin sa ating emosyonal, kaisipan at pagkatao. Kahit na itinuturing mo na ang iyong pag-inom ay paminsan-minsan lamang, marami pang mga bagay ang dapat mong isipin na dahilan upang huwag ka nang uminom ng mga nakalalasing na inumin.

Ang alcohol ay napatunayan na nagiging sanhi ng mga pagsusuka, sobrang sakit ng ulo o hangover, kawalan ng tubig o likido sa katawan, nakapagpapababa ng kakayahan upang mag-isip ng tama at iba pa. Ang mga ito ay hindi lamang nagyayari sa mga taong labis ang pag-inom kundi nagaganap din ito sa mga indibidwal na paminsan-minsan lamang ang pag-inom ng alak.

Ang alak ay isang uri ng depressant. May epekto ito sa ating emosyonal na bahagi na nakapagpapababa ng ating sigla at lakas. Ang kawalan ng sigla, kadalasan, ang nagiging sanhi ng ating mga stress at depression.

Mayroon pa bang hihigit na dahilan sa mga sakit na naidudulot ng alcohol? Sakit sa atay, sakit sa puso, mataas na blood pressure at mga iba pang mga malulubhang karamdaman na ang ugat ay ang pag-inom ng alak. Sa katagalan, ang pag-inom ng alak ay magiging sanhi ng kamatayan ay pagkasira ng buhay ng maraming mga Filipino sa hinaharap. Kaya, ano pa ang hinihintay mo? Huminto ka na ngayon sa iyong ginagawang paglalasing.

Ang Mga Epekto Ng Paghinto sa Paglalasing

Halos lahat ng tao ay pamilyar sa negatibong naidudulot ng labis na pag-inom ng alak sa katawan at isipan. Ang karamihan sa atin ay higit pang nakaaalam sa mga problemang ibinubunga ng pagiging alcohol o itong mga taong nalulong na sa alcohol. Ngunit iilan lamang ang nakaaalam sa alcohol withdrawal symptoms o ang kondisyon kung saan ang epekto sa paghinto ng bisyo ay lumalabas sa pisikal at emosyonal na mga karanasan.

Ang mga epektong maaaring maranasan kapag ihihinto na ang pag-abuso sa alak ay depende sa haba ng panahong inabuso ang nakakalulong na inumin at kung gaano kalakas ang alcohol addiction na ibinunga nito. Ang mga symptoms ay maaaring magsimula labindalawa hanggang dalawampung oras pagkatapos ng huling inom at maaaring maging malala pagsapit ng apatnapu hanggang pitumpung oras. Ang mga senyales ng withdrawal ay maaaring ang mga sumusunod na damdamin:

Hirap sa pagtulog
Pagiging iritable
Labis na pagpapawis
Panginginig ng katawan
Mabilis na tibok ng puso
Depresyon
At iba pa

Ang mga sintomas na ito ay siyang makakapagpahirap sa paghinto sa pag-inom ng alak ng isang tao at magiging sanhi upang maisipang bumalik na muli sa dating bisyo. Mahalagang maging matalino ang isang tao kapag nakararanas ng mga alcohol withdrawal symptoms upang maipagpatuloy niya ang kaniyang mga nasimulan.

Ang mga sintomas na ito ay mararanasan hindi lamang ng mga alcoholic ngunit maaari ring magpakita sa mga regular na manginginom. Ito ay sa dahilang ang ating katawan ay naghahanap ng kanyang nakasanayan at magkakaroon ito ng reaksyon kung hindi niya makuha ang kanyang mga iniisip na kailangan. At ang mga reaksiyon niya sa kanyang mga kakulangan ay ang tinatawag na alcohol withdrawal symptoms.

Kung ang isang tao ay na-diagnose na may alcoholism at ang kanyang labis na paglalasing ay nakaaapekto na sa kanyang kalusugan, marami pang mas malalang epekto ang kanyang mararanasan kapag isinagawa niya ang pagtanggal sa bisyo ng alcohol. Nariyan ang tinatawag na delirium tremens 0 DTs kung saan inihahanay sa mas malalang kondisyon. Ang delirium tremens ay may mga kaakibat na karamdaman at hindi mainam na kondiyon tulad ng labis na sakit ng ulo at pagkawala sa sariling katinuan. Kahit na nga iilan lamang ang maaaring maapektuhan ng ganitong sitwasyon, ipinapayo na huwag balewalain ang mga ito upang hindi magdulot ng maraming mga problema sa kalusugan at pangangatawan.

Kung nakararanas ng mga alcohol withdrawal symptoms, kinakailangan na alamin ang mga hakbang upang mabawasan kung hindi man maitigil ang mga ito sa pamamagitan ng pagtatanong sa isang doktor. Maaaring mapayuhan ng mga bagay na dapat gawin upang hindi masyadong maramdaman ang mga epektong dulot ng paghinto sa pag-inom at magiging madali ang pag-alis sa bisyong kinagawian.

Do You Really Want to Stop Abusing Alcohol

The truth is, there are no rules and detailed steps that you must follow to stop drinking alcohol. If you really want to stop abusing alcohol, you just need to do it. Just stop drinking. Even if you have read all the articles provided here for you, you can’t get out of alcohol abuse if you are not willing to take actions. Even though you are saying out loud to every individuals here on earth that you want to stop drinking but are not taking actions to achieve your goals you can’t get out of alcohol addiction. You need to make it happen. You need to have a determined mind to pursue your goal and have control on your life.

In general, there are basic steps in stopping abusing alcohol. But these steps can be adjusted according to your perspectives.

Step No. 1

Prepare yourself for the big fight of your life. Beating alcoholism is not that easy and you need to be ready when you are battling the terrible disease. You need to be ready, physically, emotionally and psychologically in order not to be caught unaware of what is happening. Stopping alcohol abuse and withdrawing from the habit involves many emergency situations and your body and mind must be prepared when these arise.

Step no. 2

Find a suitable method or procedure that you can implement together with your determination. A lot of people unsuccessfully quit drinking because they mistakenly employ an unfit stop drinking method. Remember that different problems need different approach. So it is advisable and highly recommended to implement a stop drinking program that is more suitable for your own condition.

Step No. 3

Understand the important things that are related to alcoholism. You can use a suitable weapon if you know your enemy. Learn the basic to advance about how you can address the problem at hand. Having the right knowledge will play a big role and it will allow you to be precise on the solutions.

Step No. 4

Never give up. If you experience any symptoms associated to your withdrawal procedure, don’t give up. Always bear in mind that it is only temporary. You will get a long term benefit if you continue to push all your plans to obtain your goals.

There are lots of ways and steps that you can do to stop alcohol abuse. There are also lots of methods that will fit your condition. Anyone can stop this problem and live an alcohol free life.

Mga Epekto ng Labis na Pag-inom ng Alak

Alam nating lahat ang mga masasamang epektong naidudulot sa ating katawan ng sobrang pag-inom ng alak. Kung ang isang tao ay lubusang nalulong sa ganitong gawain, makararanas tiyak ng maraming uri ng negatibong resulta. Ang mga epektong ito ay nakasisira hindi lamang sa ating pisikal na pangangatawan bagkus ay nakaaapekto rin pati sa ating isipan, damdamin at pagkatao. Maraming sitwasyon ang nagaganap na nakakasira rin sa isang relasyon, trabaho at kabuuang buhay ng mga tao at miyembro ng pamilya. At magkaminsan, ang labis na pagkahaling sa alcohol ay nagiging dahilan ng mas malalang kondisyon gaya ng pagkakaroon ng maraming sakit at komplikasyon sa iba’t ibang internal na bahagi ng katawan na nagiging sanhi ng malagim na kamatayan ng isang nilalang.

Sa patuloy na pag-abuso ng ating katawan sa alcohol, mas magiging dependent tayo dito sasalalay ang ating buong sistema sa mga nakakasirang kemikal na unti-unting makaaapekto sa loob at labas ng ating pisikal at emosyonal na sistema. Magkakaroon ng maraming side effects at magigising na lamang tayo isang umaga na hindi na pala natin kayang itigil ang pagkakaroon ng ganitong bisyo. Malalaman natin sa ating sarili na napakahirap na nating ihinto ito sapagkat sadyang may matibay nang kinakapitan sa ating pagkatao ang nakalalasing na inumin.

Hindi maikakailang ang paghinto sa pag-inom ay sadyang mahirap para sa isang tao lalo na kung ginagawa na niya ito sa mahabang panahon. Sa pagkalulong niya sa alak ng maraming taon, nakabuo na ang sistema niya ng kaukulang pagnanasa upang ipagpatuloy araw-araw ang pag-abuso sa alcohol. At kalimitan, ang paghinto ay nagbubunga ng hindi mabilang na withdrawal symptoms na nagiging dahilan kung bakit ang isang indibidwal na ibig huminto sa pag-inom ay bumabalik muli sa kaniyang bisyo. Hindi niya makayanan ang mga epekto at ang tanging maiisip niyang gawin ay ipagpatuloy na lamang ang kanyang bisyo. Ang pagsulpot ng mga sintomas ng pagtigil sa konsumo ng alak ay nagiging isang mabigat at malakas na rason upang sumuko na sa pagbabalak na ipagpatuloy ang pagtigil. Ang mga epekto sa katawan pagkatapos ng huling pag-inom ay maaaring maging hadlang upang ganap na labanan ang addiction.

Sa ganitong pagkakataon, marapat lamang talagang pag-aralang mabuti ang mga bagay na dapat gawin kung nais na huminto sa pag-inom ng alak. Makatutulong ang pag-aaral at masusing pagbusisi sa mga dapat na gawin upang maiplanong mabuti ang paglayo sa nakaka-adik na kemikal. Ang paghimay sa mga detalye ng mga plano at ang mabuting pagsasakatuparan ng mga ito ay magiging daan upang mapagtagumpayan ang laban sa alcoholism.

At kung ang simulang bahagi ng pagtigil ay magampanan, ang isang taong may malakas na addiction sa alcohol ay makasisigurong magiging madali na ang susunod na paglalakbay. Pananatilihin na lamang ang mga unang hakbangin at katagalan ay malilimutan na ang mga bagay na tungkol sa alak at makapamumuhay na ng normal at malusog. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga itinakdang programa para sa mga alcoholics, magagawang maalis kahit ang pinakagrabeng bisyo sa katawan. Katulad ng iba pang mga plano, kailangan lamang ang matibay na pananalig sa Maykapal at ang malakas na motibasyon sa sarili upang maging matibay sa lahat ng mga pagsubok.

Ngunit hindi magiging madali para sa mga alcoholic ang huminto. Kinakailangan nila ang suporta na galing sa kanilang pamilya at mga kaibigan upang maipagpatuloy ang plano at programa ng paghinto. Sapat ang pagmamahal at pagkalinga ng mga mahal sa buhay upang maisip ng alcoholic na dapat na talagang putulin ang kaniyang mga bisyo. Marapat lamang na ang mga kakilala at mga kamag-anak ay manatiling nasa tabi ng isang alcoholic kung siya’y nagnanais na umalis na sa pagkaalipin ng mga bisyo at mamuhay ng isang normal at responsableng nilalang.

Mahirap mapasadlak sa lapag ng pagiging alcoholic. Hindi magiging maganda ang bunga ng pagkakalulong ditto at magkakaroon ng mga masasamang epekto sa hinaharap hindi lamang sa taong naging gumon kundi pati na rin sa mga miyembro ng pamilyang kinabibilangan at ang mga malalapit na kaibigan. Kaya nararapat lamang talagang maisip na ang paghinto na sa pag-abuso sa alcohol ay siyang pinakamagandang magagawa para sa sarili at sa lipunang ginagalawan.

Mga Hakbangin sa Pagsisimula

Ang pagtigil sa pag-inom ng alak ay madali. Kung paano mapapanatili ang pag-iwas ang mahirap. Ang mga programang inilalatag ng mga rehabilitation centers ay kalimitang nakakapagpababa ng pagkakataon na mapanatili ang iyong kalooban at kaisipan na umiwas sa iyong bisyo. Kinakailangang matutunan ang paglayo sa alak sa iyong paraan. Sa ganitong kadahilanan, mailalagay sa isip ang dapat na motivation at inspiration upang maging malakas sa tawag ng bisyo.

Sa kasalukuyang panahon, maraming mga gamot, paraan at procedures ang maaaring subukan at isakatuparan upang magamot at mapaglababan ang alcoholism. Matatagpuan ang mga ito, hindi lamang sa mga hospital at pagamutan kundi marami na ring nagsulputang mga online stores na nagbibigay ng mga libreng kosultasyon at mga tips upang maihinto ang sobrang pag-inom ng alak. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat, kinakailangan ng isang tao na nagnanais na makawala sa mga problemang ito sangkot ang alcohol ay ang matibay at masiglang pagnanais na maisakatuparan ang pagpapanatili na wala ang alcohol sa sistema at buhay. Kung nakarating ka na sa punto ng iyong buhay na inamin ang mga problemang ito at alam mo sa sarili mong kailangan mo ng tulong ng iba upang malabanan ang alcoholism, narito na ang iyong pagsisimula upang maging normal ang iyong pagkatao.

---Aminin sa sarili na ikaw ay may problema kung pag-uusapan ay ang alcohol. Hindi mo kinakailangan na aminin na wala kang magagawa sa ganitong sitwasyon ngunit ang pagpansin sa mga naging problema mo noong araw at ang mga suliraning kinasangkutan sa nakaraan ang makakatulong upang maamin mo sa iyong sarili ang mga bagay na ito.

----Alamin at isa-isahin ang mga taong maaaring makatulong sa iyong mga plano. Ang pagpili sa mga kaibigan at pag-iwas sa mga dating naging kasama sa pag-inom ay makatutulong upang iwasan ang alak at magbagong buhay. Paligiran ang iyong sarili ng mga taong mapagkakatiwalaan at makakatulong upang maipagpatuloy ang nasimulang mga balakin.

---Gumawa ng mga hakbangin at huwag matakot na ito’y isakatuparan. Ang pagiging bukas sa mga suhestiyon at mga opinion ng iba ay makakatulong upang ganap na matimbang ang mga gagawin. Ang mga programang natutunan sa internet ay huwag isaisantabi bagkus ay timbang-timbangin kung makakatulong sa iniisip na paghinto sa pag-inom.

----Sabihin sa mga mahal sa buhay ang iyong mga plano. Ilatag sa kanila ang mga ibig mong magawa at ang mga balak na pag-iwas sa alcohol. Sa ganitong paraan, maipadarama sa kanila at maipakikita na ikaw ay nagbago na at makakapaganyaya sa kanila upang ikaw ay tulungan nila upang maabot ang tagumapay laban sa alcoholism.

Ang alcoholism ay mapagtatagumpayan kung nakahanda kang gawin ang mga nararapat na gawain. Sikaping matutunan ang mga kinakailangang bagay at pahalagahan ang aral ng buhay upang magkaroon ng matibay at masiglang pagbabago sa iyong buhay.