Ang Mga Epekto Ng Paghinto sa Paglalasing

Halos lahat ng tao ay pamilyar sa negatibong naidudulot ng labis na pag-inom ng alak sa katawan at isipan. Ang karamihan sa atin ay higit pang nakaaalam sa mga problemang ibinubunga ng pagiging alcohol o itong mga taong nalulong na sa alcohol. Ngunit iilan lamang ang nakaaalam sa alcohol withdrawal symptoms o ang kondisyon kung saan ang epekto sa paghinto ng bisyo ay lumalabas sa pisikal at emosyonal na mga karanasan.

Ang mga epektong maaaring maranasan kapag ihihinto na ang pag-abuso sa alak ay depende sa haba ng panahong inabuso ang nakakalulong na inumin at kung gaano kalakas ang alcohol addiction na ibinunga nito. Ang mga symptoms ay maaaring magsimula labindalawa hanggang dalawampung oras pagkatapos ng huling inom at maaaring maging malala pagsapit ng apatnapu hanggang pitumpung oras. Ang mga senyales ng withdrawal ay maaaring ang mga sumusunod na damdamin:

Hirap sa pagtulog
Pagiging iritable
Labis na pagpapawis
Panginginig ng katawan
Mabilis na tibok ng puso
Depresyon
At iba pa

Ang mga sintomas na ito ay siyang makakapagpahirap sa paghinto sa pag-inom ng alak ng isang tao at magiging sanhi upang maisipang bumalik na muli sa dating bisyo. Mahalagang maging matalino ang isang tao kapag nakararanas ng mga alcohol withdrawal symptoms upang maipagpatuloy niya ang kaniyang mga nasimulan.

Ang mga sintomas na ito ay mararanasan hindi lamang ng mga alcoholic ngunit maaari ring magpakita sa mga regular na manginginom. Ito ay sa dahilang ang ating katawan ay naghahanap ng kanyang nakasanayan at magkakaroon ito ng reaksyon kung hindi niya makuha ang kanyang mga iniisip na kailangan. At ang mga reaksiyon niya sa kanyang mga kakulangan ay ang tinatawag na alcohol withdrawal symptoms.

Kung ang isang tao ay na-diagnose na may alcoholism at ang kanyang labis na paglalasing ay nakaaapekto na sa kanyang kalusugan, marami pang mas malalang epekto ang kanyang mararanasan kapag isinagawa niya ang pagtanggal sa bisyo ng alcohol. Nariyan ang tinatawag na delirium tremens 0 DTs kung saan inihahanay sa mas malalang kondisyon. Ang delirium tremens ay may mga kaakibat na karamdaman at hindi mainam na kondiyon tulad ng labis na sakit ng ulo at pagkawala sa sariling katinuan. Kahit na nga iilan lamang ang maaaring maapektuhan ng ganitong sitwasyon, ipinapayo na huwag balewalain ang mga ito upang hindi magdulot ng maraming mga problema sa kalusugan at pangangatawan.

Kung nakararanas ng mga alcohol withdrawal symptoms, kinakailangan na alamin ang mga hakbang upang mabawasan kung hindi man maitigil ang mga ito sa pamamagitan ng pagtatanong sa isang doktor. Maaaring mapayuhan ng mga bagay na dapat gawin upang hindi masyadong maramdaman ang mga epektong dulot ng paghinto sa pag-inom at magiging madali ang pag-alis sa bisyong kinagawian.