Ang Panganib na Dulot ng Alcohol

Ang Panganib na Dulot ng Alcohol

Ang labis na pag-inom ng alak ay isang mapanganib na bisyo. Nakaaapekto ito sa isang tao sa lahat ng aspeto at kalagayan. Maaari nitong masira hindi lamang ang buhay ng isang taong lulong dito kundi kaya rin nitong sirain ang mga buhay ng kanyang mahal sa buhay. Sa ganitong pagkakataon, kailangan lamang talagang pagtuunan ng pansin ang ganitong uri ng sitwasyon at kondisyon. Kailangan nating maghanap ng mga technique na maari nating gawin upang magawan ng paraan ang bagay nito at ang mga bagay na kaakibat nito. Dapat tayong magplano at isakatuparan ang mga procedure na alam nating makakatulong sa atin.

Kahit ang mga taong hindi regular ang pag-inom, o ang mga taong tinatawag na social drinkers lamang, maaari pa ring magkaroon ng ilang epekto sa kanilang personalidad, in one way or another, ang pagkonsumo nila kung hindi nila ihihinto ang ganitong gawain. Sa mga epektong naidudulot nito, ang isang taong magpapatuloy sa ganitong bisyo ay maaaring dumating sa mga punto ng kanilang buhay na kanilang pagsisisihan.

Ngunit, may panahon pa para sa pagbabago. Hindi ka kailangang malungkot sapagkat napakaraming paraan upang mapaglabanan at ma-overcome mo ang iyong kalagayan maaari ka pa ring magkaroon at gumawa ng mga hakbang upang magbago ang takbo ng iyong buhay. Ang kailangan mo lamang ay isang bukas na isipan at malakas na determinasyon upang makaalis ka sa iyong bisyo. Ang mga available na paraan na makakatulong sa iyo ay naghihitay lamang sa iyong pagkilos upang makakawala ka sa sitwasyong kinasadlakan.

Alam na nating lahat ngayon na ang alak ay isang substance na nakaka-addict. Ang pagiging talamak sa pag-inom nito ay nakakasama sa ating kalusugan gayundin sa iba’t ibang aspeto na ating buhay at estado ng pamumuhay. Tinalakay na ng iba’t ibang medical doctors and isyung ito at maraming blogs at websites ang tumatalakay ukol sa masasamang epektong naidudulot nito sa ating kalusugan at katawan. Ngunit bakit nagpapatuloy pa rin itong nagiging problema sa ating society sa kasalukuyan?

Hindi lamang iilang pangyayari sa mga tao ang ating nasaksihan sa araw-araw na naging daan sa kanilang pagkapahamak dahil lamang sila ay lulong sa alcohol. Nadadala sila ng alak at hindi nila mapigilan ang resultang ibinubunga nito. Nakakapagtaka na ang isang taong alam na ang negative na maaaring mangyari sa kanila kapag nalalasing ay patuloy pa ri nilang ginagawa ang pag-inom. Ano ang malakas na kapangyarihan na umaalipin sa isang tao upang hindi siya tumigil sa pag-abuso sa alcohol at magpatuloy sa kanyang maling mga hakbang sa dinadaaanan. Ang hindi nila alam, unti-unti nilang sinasayang ang kanilang buhay sa ganitong uri ng gawain. Maaarin namang naiisip din nila ang kanilang kahihinatnan ngunit dahil na rin sa kakulangan ng tulong na mahahanap, hinahayaan na lamang nila ang alcohol na maging hari sa kanilang buhay.

Mahirap mabuhay na may mga problema. Lalo na kung ito’y konektado sa isang bisyo na tila nagwawala na sa ating sistema. Ito ang magdudulot ng mas malalaking problema sa hinaharap at hindi natin mamamalayan, huli na ang lahat para sa pagbabago. Kung naisip lamang natin o kung kumilos lamang tayo ng mas maaga, maaaring nasolusyunan natin ito at hindi umabot sa pagsisisi ang lahat ng mga pangyayari.

Kailangan kang kumilos ngayon para magbago ang iyong kapalaran. Nasa sa iyo desisyon para magbagong buhay. Kung hindi ka kikilos ngayon, kalian ka pa kikilos? Maaaring mahuli ang lahat at ikaw rin ang luluha sa hinaharap. Huwag mo nang hintayin ang mas malalang mga problema, tumigil ka na sa pag-inom ng alak upang hindi ka magsisi sa huli. Good luck!

Meeting Speech for Alcoholics Anonymous- Ray Vaugh Part 1






"'I don't know where it came from. It just happened. My brother Jimmie showed me some stuff and then it was like the dam broke."